Sa ulat ng Agence France Press, isang 50 anyos na lalaki na nagngangalang Mohsen Al-Amin ang responsable sa paggawa ng kuryente gamit ang mga naturang sangkap.
Sa isang bidyo na ibinahagi nito, makikita na una muna nitong sinala ang gagamiting lupa. Matapos nito, sa isang lalagyan ay inihahalo niya na ang lupa, tubig, at suka.
Ayon sa kaniya, ito ang ginagamit nilang kuryente ng kanilang pamilya sa isang refugee camp malapit sa Syrian-Turkish border. Naninirahan doon ngayon sina Al-Amin at ang kanyang pamilya matapos nilang lumikas sa kanilang tahanan sa Syria.
Ayon sa kaniya naisipan niya lamang ang ideya ng paglalapat ng kanyang kaalaman sa primitive na paraan ng pagbuo ng kuryente matapos ang matinding sitwasyon sa kampo kung saan ang kuryente, bukod sa iba pang mga bagay, ay lubos na wala at 'di ramdam.
Upang maikalat ang kamalayan kung paano gawin ang pareho, Sa ngayon, ipinapasa na ni Al-Amin ang naturang kaalaman sa kanyang anak. Hiling din nito na sana raw ay matuklasan ng mga eksperto ang naturang pamamaraan ng paglikha ng enerhiya at mapalawak pa ang pag-aaral para rito.
#PinoyTechBreak